(NI DANG SAMSON-GARCIA)
GINISA ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) nang mabigo ang mga ito na makuha ang exclusive rights sa coverage ng mga major sport events sa Southeast Asian (SEA) games na gagawin sa bansa simula sa Nobyembre 19.
Ipinaalala ni Tolentino sa PCOO na bilang host country ay dapat matindi ang paghahanda ng pamahalaan sa event subalit nakalimutan ang media coverage.
Tinukoy pa ni Tolentino na isa sa paghahanda ay ang kontruksyon pa ng New Clark City Sports complex na paggaganapan ng maraming kompetisyon.
Ikinagulat din ni Tolentino sa kabila ng pag-aari ng pamahalaan ang PTV4 sa ilalim ng pangangasiwa ng PCOO ay bigo itong makuha ang exclusive rights ang pag-ere hindi lamang sa pagbubukas kundi ng majority event sa SEA games.
“Bakit nakawala ito? Bakit hindi ito napunta sa inyo? Dapat itong mga ganitong government, Philippine, International sporting event, dapat exclusive sa PTV4, because you will have how many events? More than a hundred. Hindi ba natin naunahan? This is a government event, tayo dapat ito, tayo ang magpapakita ng gilas ng Pilipinas,” giit ni Tolentino sa pagdinig sa panukalang budget ng PCOO para sa 2020.
Nabatid na ang BMX at skateboarding categories mula sa 56 sports categories sa ilalim ng SEA Games ang maaring i-cover ng PTV4.
Hindi rin matanggap ni Tolentino ang dahilan na kakulangan ng pondo kaya nabigo ang PCOO na makuha ang kontrata sa pag-eere ng mga major SEA games sports.
“This is supposed to be our chance, your chance not just to show our support to the Southeast Asian community, but to also get the top spot. Had they cornered the contract with the basketball game, the volleyball game ang laki ng advertisements ‘non, ang laki ng kikitain doon sa SEA games enough to fund the global division of your office the PCOO. Opening ceremonies na lang kung exclusive sigurado ako mag number 1 kayo,” dagdag ni Tolentino.
357