KINUMPIRMA ng Malacanang ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan dahil sa umano’y seryosong alegasyon ng korupsiyon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo
na ang “governance and public accountability” ay kambal na haligi ng administrasyon ni Duterte.
Ito umano ang basehan na ang mga nasa gobyerno ay kailangan dapat na manilbihan ng tapat at may responsibilidad.
“Ang mga lalabag ay tyak na lalagapak at daranas ng mabigat na parusa,” sabi pa nito.
Idinagdag pa ni Panelo na sana ay magsilbi itong babala sa lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno na walang sasantuhin ang kasalukuyang administrasyon, lalo na kung ang pag-uusapan ay paglilingkod sa mamamayan ng may integridad at katapatan.
“Ang kampanya laban sa korupsiyon tulad din ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot ay tuluy-tuloy hanggang sa huling araw ng termino ng Pangulo,” ayon pa kay Panelo.
140