(NI JG TUMBADO)
WALA pang sapat at matibay na basehan o ebidensya ang gobyerno upang sampahan ng kasong kriminal ang mga politikong isinasangkot at pinangalanan sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pag-amin ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Senior Supt. Bernard Banac kasunod ng paghahain ng reklamo ng administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa 46 na mga pulitikong isinasangkot sa ilegal na droga bago pa man pangalanan ng pangulo.
Salungat naman ang naging pahayag ng PDEA sa PNP na umanoy tumagal ng 14 na buwan sa pagsasailalim sa ‘revalidation’ at verification process sa mga pulitiko kaya naman may ebidensya silang sangkot ang mga ito sa ilegal na droga.
“The narco list undergone revalidation and verification process through monthly workshops conducted by PNP, AFP, PDEA, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) and DILG,” pahayag ni Derrick Carreon, hepe ng Public Information Office ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Pero ayon kay Banac, kasalukuyan pa rin silang nangangalap ng matitibay na ebidensya para direktang madiin sa pagkakadawit ang mga tinaguriang narco politicians sa ilegal na operasyon ng droga para sa kasong kriminal.
128