PDLs inilapit sa pamilya, abogado sa E-Dalaw project CONG. NOGRALES PINASALAMATAN NG BJMP

PINASALAMATAN at pinuri ng hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa malaking tulong na nagawa ng kanyang proyekto na electronic dalaw o E-Dalaw kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga PDL o persons deprived of liberty na makipag-ugnayan sa kanilang mga abogado at pamilya sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

“We wish to thank Rep. Nograles for his donation. This will go a long way in ensuring that our inmates can still avail of their rights despite the enforced quarantine,” ani BJMP Chief Jail Director Allan Iral.

Nagawa umano ito dahil sa 40 computer sets na ibinigay ni Nograles sa mga “remote at highly congested jail” sa bansa na nagamit ng mga PDL para makausap ang kanilang pamilya sa gitna ng ECQ kung saan ipinagnabawal ang personal na pagdalaw sa mga kulungan sa bansa.

Bukod sa pamilya na nakausap ng mga PDL sa pamamagitan ng Skype sa loob ng 10 hanggang 15 minuto araw-aeaw ay nagkaroon din ng pagkakataon ang mga ito na makonsulta ang kanilang mga abogado.

“Umaasa tayo na sa pamamagitan ng E-Dalaw, patuloy na uusad ang hustisya sa kabila ng quarantine. This program is one of the ways to go forward in terms of ensuring PDLs’ access to justice as we grapple with the many uncertainties brought about by the pandemic,” ani Nograles na isang Harvard trained lawyer.

Bukod dito, sinabi ni Iral na nakatulong din nang husto ang E-Dalaw at Lakbay Hustisya’ program ni Nograles para mapaluwag ang mga kulungan sa bansa dahil nagamit ang mga computer sa on-line hearing sa kanilang mga kaso na naging dahilan nang maagang paglaya ng daan-daang PDLs.

Magugunita na pinayagan ng Supreme Court (SC) ang on-line hearing sa gitna ng ECQ at niluwagan naman ng Department of Justice (DOJ) ang rules and parole kaya maraming PDL ang agad na nakalaya.

“Aktibo po kaming nakikipag-usap sa iba pang kasamahan natin sa legal profession. Mahalaga pong magtulungan tayo hindi lang para mabawasan ang dami ng mga PDL sa mga overcrowded jails, kundi para na rin masiguro na mabigyan ng hustisya ang marami sa ating mahihirap na kababayan na nakulong dahil sa maling hatol,” ani Nograles, upang mas marami pang eligible PDLs ang makalabas na ng kulungan. BERNARD TAGUINOD

277

Related posts

Leave a Comment