PDU30 BINALAAN ANG PUBLIKO SA PAGBILI NG FACE MASK SA ONLINE

DUTERTE13

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko sa pagbili ng mga produkto sa online partikular na ang face mask.

Kumbinsido kasi ang Pangulo na ang mga nagtitinda sa online ng face mask ay mga scammer na nagsasamantala sa COVID-19 pandemic para makapangbiktima ng mga mamimili.

“Do not fall for that thing , online-online. Nobody has perfected this thing,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address.

“They are perpetrating this on the public,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Ayon sa Chief Executive, sa ilalim ng kasalukuyang protocol sa gitna ng pandemic, ang face masks ay nire-require sa mga taong lalabas ng kanilang bahay para bumili ng pagkain o para mag-report sa trabaho.

Dahil dito, binantaan ni Pangulong Duterte ang mga online seller na nagbabalak na i-scam ang kanilang customers.

“Lagyan kita sa bibig ng medyas, ‘yung hindi nilabhan ng isang linggo,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo. CHRISTIAN DALE

111

Related posts

Leave a Comment