PDU30, MISUARI NAGPULONG MULI SA DAVAO

misuari44

(NI BETH JULIAN)

IPINANGAKO ni Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari na tutulong siya sa pagpapanatili ng katahimikan sa rehiyon ng Mindanao.

Ito ang ibinunyag ni Senator Bong Go matapos ang muling pagpupulong sa ikaapat na pagkakataon ni Misuari kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend sa Malacanang.

Sinabi ni Go na sentro ng pagpupulong ng Pangulo at ni Misuari ang  inilalatag na kapayapaan sa Mindanao kung saan nangako ang huli na makikipagtulungan.

Hindi pa natatapos ang nasabing pulong na napagkasunduan na magkaroon pa ng follow-up meeting kasama ang panel ang pamahalaan at ng MNLF.

“Yung usapan, maybe magkakaroon pa ng mga follow-up meetings but between bigger group na po. Maybe para panel na yung makikipag-usap on both sides kung papaano. Tuloy na lang po natin yung kapayapaan sa Mindanao. Tutulong po si Nur Misuari,” pahayag ni Go.

 

79

Related posts

Leave a Comment