PDu30 nababahala sa paglala ng COVID-19 cases INUMAN, SUGAL, PARTY TULOY SA CEBU

NAGPAHAYAG muli ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kalagayan ng Cebu.

Ang pahayag na ito ng Chief Executive sa kanyang public address kahapon ng madaling araw ay kaugnay ng desisyon ng gobyerno na panatilihin ang Cebu City sa enhanced community quarantine dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Hindi umano nagustuhan ni Pangulong Duterte ang tila pagsasawalang bahala ng mga taga-Cebu na nagagawa pang makipag-inuman, makipagsugal at magdaos ng party sa gitna ng outbreak.

Mananatili ang Cebu City sa enhanced community quarantine (ECQ) habang ang Metro Manila, Benguet, Cavite, Rizal, Leyte, Ormoc at Southern Leyte; Lapu-lapu City, Mandaue City, Talisay, Minglanilla at Consolacion sa Cebu province ay mananatili sa general community quarantine (GCQ).

FIRST WAVE

Samantala, nananatili ang pakikipaglaban ng pamahalaan sa first wave ng COVID-19.

“Have we arrived at the second wave? I don’t think so. We’re still grappling the first wave,” ayon kay Pangulong Duterte sa public address nito.

Nauna nang sinabi ng Health department na hindi pa nararanasan ng bansa ang second wave ng nasabing sakit.

Ang pagsirit ng bilang ng coronavirus infection ay bunsod ng pagdami ng testing capacity at community transmission.

“We are not experiencing a second wave but an increase in numbers of positive cases due to increase in testing, and community transmission caused by lack of implementation of minimum health standards. The increase has been gradual and our health system is able to cope with the increasing number of cases,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng kaso, nakapagtala ang bansa ng mas maraming recoveries kumpara sa mga namatay simula nang sumipa ang pandemya noong Enero.

Sa public address pa rin ng Pangulo ay idinepensa nito ang naging desisyon ng pamahalaan na unti-unting paluwagin ang lockdown measures.

Pag-amin ng Pangulo, hindi na kasi kakayanin ng bansa ang panibagong bugso ng COVID-19 cases.

“Because if we open the entire Philippines, thousands of thousands of new cases would happen then we are in deep s***. Talagang mahirapan tayo. Una wala tayong pera,” pag-amin ng Pangulo.
Kumpiyansa naman si Pangulong Duterte na maaari nang maging available sa Disyembre ang gamot laban sa COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

95

Related posts

Leave a Comment