PDU30 PANGUNGUNAHAN ANG PMA AT PNPA GRAD RITES

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) via Zoom sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang kauna-unahang pagkakataon na pangungunahan ng Chief Executive ang graduation rites ng dalawang institusyon na wala ang kanyang pisikal na presensiya bunsod na rin ng marahas na pagbabago na nag-ugat mula sa health crisis.

Noong nakaraang taon ay pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pagtatapos ng may 243 kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Sinalubong ang Pangulo nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal at iba pang mga opisyal ng AFP.

Dumalo rin sa naturang okasyon si Vice President Leni Robredo, ilang miyembro ng gabinete at ang mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na alumni din ng PMA.

Ang mga nagsipagtapos ay kabilang sa PMA “Mabalasik” Class of 2019 na pinangungunahan ng ika-5 babaeng valedictorian na si Dionne Mae Umalla na tumanggap ng Presidential Saber Award habang tumanggap ng Vice Presidential Saber Award ang class salutatorian na si Jonathan Mendoza.

Si Umalla ang ikalimang babaeng valedictorian sa PMA makalipas ang isang dekada mula kina Arlene Dela Cruz noong 1999, Tara Velasco noong 2003, Andrelee Mojica noong 2007 at Rovi Mariel Martinez noong 2017. CHRISTIAN DALE

74

Related posts

Leave a Comment