(NI BETH JULIAN)
HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) na parusahan siya kung may ebidensiya sila laban sa sinasabi nilang extra-judicial killing sa ilalim ng war on drugs ng gobyerno.
Kasabay ito ng unang inihayag ng Pangulo na handa siyang ipakain sa pating.
“SIGE ipakain nyo ako sa pating kumakain man ako ng pating.
Ito ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na patuloy na bumabanat sa kanyang giyera kontra ilegal na droga.
Partikular na hinamon ng Pangulo ang Hague-based ICC at sinabing parusahan siya kapag makitaan siya ng dapat na ebidensya dahil sa umano’y extra-judicial killing sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.
“Sabi nila, ma-prosecute ako sa International Criminal Court. ‘Di sige. Ano gusto ninyo? You hang me? Good. ‘Yung firing squad? Mas mabuti kay maging Rizal rin ako. You feed me to the sharks? Kumakain man rin ako ng pating so tabla-tabla lang. Payback time,” ayon sa Pangulo.
Una nang nagbanta si Duterte na ipaaaresto si Presecutor Fatou Bensouda kapag pumunta ito sa Pilipinas para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa paratang sa kanyang human rights abuses sa kasagsagan ng war on drugs ng administrasyon.
Giit ng Pangulo, hindi maaaring gumawa ng anumang proceedings si Bensouda sa bansa nang walang basehan.
143