(NI BETH JULIAN)
SA kabila ng inihaing reklamo sa Office of the Ombudsman, wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto o hilingin na maghain ng leave of absence si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, buo pa ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Acosta pero nilinaw nito na ibang usapan na kapag nakitaan na may probabale cause ang alegasyon at may suspension order na mula sa Ombudsman.
Napag-alaman na naghain ng reklamo ang mga empleyado ng PAO para hilingin na suspendihin si Acosta dahil sa isyu ng corruption.
“If there is a case in the Ombudsman then we will let the Ombudsman do its work, as a matter of policy, the president does not interfere in the work function, activity of any constitutional body or any branch of the government. Let the law takes its course,” wika ni Panelo.
Sinabi ni Panelo na Hindi naging ugali ni Pangulong Duterte na pakialaman ang trabaho ng ibang sangay ng pamahalaan.
Gayunman, niinaw ni Panelo na nasa kamay pa rin ni Acosta ang huling pagpapasya kung magbibitiw sa pwesto o maghahain muna ng leave of absence habang ginagawa ang imbestigasyon.
Sa liham ng mga empleado ng PAO, hinihiling ng kanilang hanay sa Ombudsman na suspendihin si Acosta at Forensics chief Erwin Erfe dahil sa pagdodoktor sa purchase order ng PAO para maging available ang pondo para kay Acosta lamang.
137