PDU30 UMUWI NG DAVAO

MATAPOS ang mahigit dalawang buwan na pananatili sa Bahay Pagbabago sa Malakanyang ay umuwi sa kanyang bahay sa Davao City si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para makasama ang pamilya.

“He is [in Davao City],” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa text message.

Sinasabing 11:04 kagabi, araw ng Biyernes, nang marinig ang Presidential chopper na umalis ng Malakanyang.

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Presidential Security Group commander Colonel Jesus Durante III ang pag-uwi ni Pangulong Duterte sa Davao.

“He is in Davao after more than two months of not being able to see his family. He will be back for the next IATF [Inter-Agency Task Force] meeting,” ayon naman kay Durante sa isang text message.

Si Pangulong Duterte ay nanatili sa kanyang tahanan sa Malakanyang matapos niyang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso ang buong Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang Metro Manila at ilang lugar ay nasa ilalim na ng modified ECQ.

Ang Davao City naman ay nasa ilalim ng general community quarantine hanggang May 31, base sa IATF Resolution No. 37. CHRISTIAN DALE

92

Related posts

Leave a Comment