(NI BETH JULIAN)
MAYROON nang kasunduang pinasok si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, nag-usap na sila ni Xi na magbigayan sa karagatan at ito ang dahilan kaya pinapayagan niya ang mga Tsino na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ).
Dahil dito, sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na kung hindi ipagtatanggol ng Pangulo ang EEZ tulad ng nakasaad sa Saligang Batas ay maaari siyang maharap sa impeachment.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala silang problema kung may maghahain ng impeachment laban sa Pangulo.
“Kung naniniwala sila na may ginawa siyang impeachable ground eh di mag-file diba? But you cannot stop the President from doing measures na sa tingin nya sa kanyang pag-iisip ay tama, to obey the constitutional command for him to protect and to serve the Filipino people,” pahayag pa ni Panelo.
106