ISINARA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinto sa kanyang panig para sa posibleng pagbabalik ng peace talks sa mga rebeldeng komunista.
“Opisyal ko nang tini-terminate ang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines,” sabi ng Pangulo sa 122nd anniversary ng Philippine Army. Hindi ko na bubuksan ang anumang paghimok (sa peace talks) sa bansa nating punumpuno ng demokrasya,” dagdag pa nito.
Sinukuan na ng Pangulo ang pagtatalaga ng oras sa peace negotiators matapos gumuho ang peace talks.
“Siguro ay ang susunod na Pangulo na lamang ang kausapin nyo ukol dito,” ayon pa kay Duterte.
123