PEDERALISMO ISUSULONG SA 18TH CONGRESS

MARTIN12

(NI ABBY MENDOZA)

KUNG hindi nai-prayoridad sa katatapos na 17th Congress, umaasa ang isang mambabatas na sa pagbubukas ng 18th Congress sa buwan ng Hulyo ay isa na sa matutukan ay ang pagtalakay sa pagreporma sa Konstitusyon.

Sinabi ni Leyte Rep. Martin Romualdez na kung maisusulong ang Federalismo ay naniniwala syang makatutulong ito para pabilisin ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang pag-amyenda sa Konstitusyon ang isa sa ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pag-upo sa Malacanang at naniniwala si  Romualdez na sa sa 18th Congress ay mabibigyan na ito ng katuparan.

“We will keep our dedication, commitment, passion and the flame burning in pursuing federalism until we reap the real benefits of genuine constitutional reforms for our children and the succeeding generations,”pahayag ni Romualdez.

Ang nasabing panukala ay naaprubahan sa Kamara sa ilalim ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo noong Disyembre sa botong 224-22 subalit hindi ito nabigyan ng pansin sa Senado.

“I urge my colleagues and the Filipino people to stand behind President Duterte and help push a federal Constitution to create opportunities and for strong economic growth to be felt also by ordinary people.Let us join hands to maintain the pristine supremacy of the Constitution,” giit ni Romualdez.

 

 

122

Related posts

Leave a Comment