PEDICAB PAPADYAK NA SA HIGHWAY

MAAARI nang bumiyahe sa mga national highway ang mga sidecar.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na puwede nang bumiyahe ang mga sidecar sa mga highway ngayong karamihan ng lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ).

“Pinapayagan na po ngayon ang mga sidecar sa national highways,” ani Sec. Roque.

“‘Yan po ay para maibsan ang kakulangan ng transportasyon ngayong nag-GCQ na at MGCQ sa maraming areas,” dagdag pa niya.

Matatandaang ipinagbawal kamakailan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga tricycle at pedicab sa mga pangunahing kalsada na bahagi ng road clearing operations ng gobyerno.

Sa ulat, ang paglalagay ng sidecar ang ipinayo ni Sec. Año sa mga motorsiklo na nais mag-angkas.

Ani Año, lagyan na lang ng sidecar ang motor o bisikleta para masunod pa rin ang physical distancing.

Samantala, bawal pa rin ang angkas kahit pa mag-asawa dahil lalabagin nito ang social distancing. CHRISTIAN DALE

279

Related posts

Leave a Comment