(NI FRANCIS SORIANO)
NANAWAGAN ngayon ang Bureau of Immigration (BI) ng imbestigasyon sa mga sindikatong nasa likod ng gumagawa at nagpapakalat ng Philippine passports at iba pang identification documents ng mga illegal aliens, matapos maaresto ang dalawang Indian national.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente, ang dalawang suspek na naaresto na sila Satbir Sandhu, 25, at Mandish Sandhu, 24, residente sa isang high-rise condominium sa Mandaluyong City, matapos magpanggap na Filipino gamit ang pekeng dokumento.
Ayon kay Morente, pinangunahan ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., ang pag-aresto sa mga suspek matapos ireklamo ng mga concerned citizen.
Ang mga ito ay nagprisinta ng original Philippine passport sa pangalang Jeff Sunga Sandhu, ganun din ang kanyang kapatid na si Satbir na nagpakita ng Philippine postal ID at Manila Police clearance sa pangalan Sunny Sunga Sandhu, bilang mga Filipino national.
Gayunman, nang sumailalim na sa fingerprint records ay nabisto ang mga ito matapos lumabas sa record na dati sila umanong residente ng bansa gamit ang Indian passports.
“We have observed this to be a modus, illegal aliens would acquire authentic documentation saying that they are Filipinos and would at times possess birth certificates that were registered late. From this, they are able to acquire more documents for more Philippine IDs,” ani Manahan.
Samantala, matatandaan na noong 2016 ay umabot sa 177 Indonesians ang nasabat ng BI matapos magkaroon ng Philippine passports habang noong September 2018 naman ay nadakip at ipinadeport ng BI Intelligence Operatives Chinese woman gamit din ang Philippine passport para magtrabaho sa bansa.
147