PENSION HIKE SA 2020 IPINAALALA SA SSS 

sss20

(NI BERNARD TAGUINOD)

IPINAALALA ni Bayan Muna chair Neri Colmenares sa Social Security System (SSS) na huwag kalimutan ang second tranche ng SSS pensioners sa Enero 2020.

“Sana naman ay ibigay na ng SSS ang P1,000 pension increase sa Enero dahil kailangang-kailangan na ito ng ating seniors,” ani Colmenares matapos i-anunsyo ng SSS na matatanggap na ng mga pensyonado ang kanilang 13th month benefits.

Unang ibinigay ang P1,000 na karagdagang pensyon ng SSS pensioners noong Enero 2017 at dapat sundan ito noong Enero 2019 subalit hindi naipatupad dahil sa kakulangan ng pondo.

Gayunpamam, nangako ang SSS na ibibigay ang karagdagang P1,000 sa Enero 2020 kaya ipinaalala ni Colmenares sa ahensya na huwag itong kaliumutan dahil malaki ang maitutulong nito sa mga senior citizen.

Sinabi ng mambabatas na tulad ng lahat ng mamamayan, apektado rin ang mga matatanda sa pagtaas na presyo ng mga bilihin lalo na noong inimplementa ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law noong Enero 2018.

“Giving the P1, 000 pension increase in January 2020 is in fact long overdue because the subhuman level of the basic SSS pension had been aggravated since the implemenntation of the TRAIN law,” ani Colmanares.

Dahil dito, umaasa ang dating mambabatas na hindi na muling madedelay ang 2nd tranche ng SSS pension hike ng senior citizens sa susunod na taon.

193

Related posts

Leave a Comment