PENSIYON NG MGA INDIGENT SENIORS, TINIYAK

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

TINIYAK ni Senador Sonny Angara ang pagkakaloob ng P23.18 bilyong alokasyon para sa ‘indigent senior pension program’ sa susunod na taon na sasakupin ang may 3.8 million senior citizens na tatanggap ng P6,000 pensiyon.

Bukod sa pa rito ang P3,600 annual assistance mula sa “Unconditional Cash Transfer” (UCT) fund na tatakbo ng tatlong taon simula noong 2018.

Ang mga programa ay kapwa pinamumunuan ng Department of Social Welfare and Development, batay sa national list at set ng criteria.

Nabatid na ang P23.18 billion para sa “Social Pension for Indigent Senior Citizens” ang ikalawang pinakamalaking item sa proposed P158.6 bilyong budget ng DSWD para sa 2020.

Gayunman ang bahagi ng ‘indigent seniors’ mula sa UCT ay magmumula sa P36.48 billion budget ng Department of Finance sa Land Bank of the Philippines.

“Mga P13.6 billion ang maaring mapunta sa mga senior citizens from the UCT fund,” saad ni Angara.

Kasama sa criteria ng DSWD para sa senior citizen, kinakailangan itong nasa 60 anyos, walang regular source of income at hindi tumatanggap ng tulong sa kanyang mga kaanak.

Isa si Angara sa mga author ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, na nagbibigay ng monthly stipend sa indigent seniors.

Isinusulong din ng Senador ang 100 percent na dagdag sa pensiyon ng senior indigents, mula P6,000 ay gagawing P12,000 kada taon

222

Related posts

Leave a Comment