(NI ROSE PULGAR)
DAHIL kabilang ang Pilipinas na nasa listahan sa high-risk areas ng African swine fever (ASF) sa bansang Taiwan, simula nitong Lunes, ang lahat ng Pinoy na magtutungo sa nabanggit na bansa na may hand carry baggage ay mahigpit na isasailalim sa inspection.
Kahapon ay inianunsiyo ng Central Emergency Operation Center na
mayroon aniyang ilang unreported cases ng ASF, na na-detect sa area ng Bulacan at Rizal.
Dahil dito, ang Pilipinas ay inilagay sa listahan ng Taiwan na high-risk areas ng ASF.
Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang nasabing blood samples mula sa hogs ay ipinadala sa abroad para malaman ang mga sakit ng mga hayop na tumama sa ilang lugar.
Nabatid kay Agriculture Secretary William Dar na maglalabas lamang sila ng impormasyon matapos ang completion test mula sa ibang bansa na aabutin ng dalawa hanggang sa tatlong buwan.
190