(Ni LILIBETH JULIAN)
May pagkakataon pang umatras ang Pilipinas sa nilagdaang memorandum of understanding ng China at Pilipinas ukol sa “joint oil and gas exploration agreement” sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang tiniyak ng Malacanang sa dahil hindi pa “legally binding” ang nilagdaang memorandum of understanding ng China at Pilipinas ukol sa isyu.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil sa hindi pa legally binding ang MOU, maari pang umatras ang Pilipinas kapag naging dehado sa hatian ang bansa sa mga makukuhang langis sa lugar.
Sinabi ni Pabelo na sa ilalim ng batas sa Pilipinas, mayroong tinatawag na “recision of contract” o pagpapawalang bisa sa kontrata at dahil MOU pa lamang ang nilagdaan, nangangahulugan ito na nasa proseso pa lamang ang dalawang bansa sa paglalagay ng mga guidelines.
“Masyado pang maaga, maituturing na unconstitutional ang MOU dahil tuloy pa naman ang ginagawang negosasyon ng Pilipinas at China,” wika ni Panelo.
Una nang sinabi ni Chinese President Xi Jinping sa bilateral agreement na laging nakasandal sa mutual respect, mutual fairness at irerespeto ang soberenya sa anumang pag uusap na gagawin ng dalawang bansa.
Mahigpit ang pagtiyak ni Panelo na magiging paborable sa Pilipinas at hindi lamang sa China ang naturang kasunduan.
218