PHARMA FIRM VS PAGBABA NG PRESYO NG GAMOT PINATUTUKOY

rissa45

(DANG SAMSON-GARCIA)

HINAMON ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Health (DOH) na tukuyin ang mga pharmaceutical firms na humaharang sa panukalang ibaba ang presyo ng mga gamot, partikular ang 120 na klase ng gamot para sa diabetes, heart disease, asthma at iba’t ibang uri ng cancer.

Sa deliberasyon ng 2020 DOH budget, sinabi ni Hontiveros na malakas ang pagla-lobby ng ilang kumpanya upang kontrahin ang panukalang paggamit ng gobyerno ng regulatory power nito sa ilalim ng Cheaper Medicine Act upang ibaba ang presyo ng mga gamot.

Iginiit ni Hontiveros na kung totoo ang mga impormasyon hinggil sa lobbying, dapat isapubliko ng DOH ang pangalan ng mga ito.

“Nanawagan ako sa DOH na pangalanan ang mga pharmaceutical companies na mas inuuna pa ang kanilang malalaking tubo at kita kaysa sa buhay at kalusugan ng mamamayan. Sa panahon na kaliwa’t kanan ang epidemiya at mga nagkakasakit, ang presyo ng gamot ay hindi dapat dagdag-pasakit,” diin ni Hontiveros.

Binigyang-diin ni Hontiveros na lubhang mataas ang presyo ng mga gamot sa Pilipinas at hindi kayang bilhin ng mayorya ng mga Pinoy.

Sa pag-aaral na kinomisyon ng DOH, ang presyo ng gamot sa Pilipinas ay lubhang mataas kumpara sa Intenational Reference Prices.

“In the public sector, medicine prices are up to 4 times higher than IRP while in the private sector, they can go up to 22 times higher,” diin ni Hontiveros.

 

158

Related posts

Leave a Comment