(NI NOEL ABUEL)
TINITIYAK ng ilang senador na may maparurusahan sa anomalyang kinasasangkutan ng mga opisyales ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay ng health claims.
Ayon kay Senador Christopher Lawrence Go, sisiguruhin nitong may maparurusahan sa sinumang opisyales ng nasabing ahensya.
“Ako, as the Senate Committee on Health chair, naniniwala ako na dapat kasuhan ang dapat kasuhan, ‘yung mga involved sa fraudulent claims,” ani Go.
Giit nito, kailangang maibalik sa taumbayan ang lahat ng pera ng gobyerno kahalintulad na lamang umano ng implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.
“Up to the last centavo ng pera ng gobyerno, gamitin sa tao. Lalo na with the implementation of the Universal Health Care (UHC) Law,” sabi pa ng senador.
Samantala, idinagdag pa ni Go na may maganda itong balita para sa mga senior citizens sa bansa na higit na makikinabang sa Malasakit Centers sa mga ospital.
“Maroon po tayong Republic Act (RA) 11350 na nag-create ng National Commission of Senior Citizens. This ensures the rights and welfare of senior citizens,” sabi pa ni Go.
“Ako naman, isa sa mga advocacy ko ay health, mga Malasakit Centers. Kaya naman nag-file ako ng senate bill institutionalizing Malasakit Centers para hindi na bungi-bungi. Ang apat na ahensya ng gobyerno, nasa iisang kwarto na lang. It’s a one-stop shop. May express lane din para sa mga senior citizens at PWDs,” paliwanag pa ng senador.
151