PHL BOXING COMMISSION ACT, ISINUSULONG PARA KAY PACMAN

pacman88

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL naibigay na lahat ng parangal na dapat ibigay kay Sen. Manny Pacquiao, isinusulong ng kanyang mga supporters sa Kamara ang pagpapatibay sa isang batas na magbibigay magkilala sa Pambansang Kamao.

The best way Congress and the Executive Branch can now honor not just Manny Pacquiao, but all those boxers who honor him, is to enact into law and implement effectively the Philippine Boxing Commission Act,” ani 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero ukol sa kanyang House Bill 8883 na inakda Romero.

Ginawa ni Romero ang pahayag matapos manalo sa pamamagitan ng split decision si Pacquiao laban sa mas bata at matangkad na si American boxer Keith “One Time” Thurman sa kanilang laban kahapon sa Las Vegas.

“Long after the accolades and applause, this piece of legislation will honor what Manny represents: the indomitable spirit of the Filipino winning over adversities by sheer will and ability,” ani Romero.

Sinabi naman ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na muling napasaya ni Pacquiao ang sambayanang Filipino sa kanyang bagong tagumpay na nakamit dahil sa pagsisikap, disiplina at dedikasyon sa kanyang ginagawa.

“With Senator Manny’s win, our nation is definitely happy to see him more in the boxing arena. Win or lose, the Filipino people will always be behind him. Win or lose, he will always be an inspiration to all of us,” ani Nograles.

 

154

Related posts

Leave a Comment