PHYSICAL EXAM RESULTS NG PMA CADETS:  ILAN MAY BAKAS NG HAZING

(NI AMIHAN SABILLO)

ILAN pang mga kadete ng PMA ang natagpuang may indikasyon ng ‘maltreatment’.

Ito ang ibinunyag ni PMA Commandant of Cadets Bgen Romeo Brawner, matapos makumpleto ang physical examination ng mga kadete.

Pero, hindi naman ibinunyag ni Brawner ang bilang ng mga kadeteng nakitaan ng mga pasa sa katawan, pero tiniyak ng opisyal na nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng mga kadete.

Matatandaan na ipinag-utos ni  Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagsasailalim sa medical exam ng lahat ng mga plebo kasunod ng pagkammatay ni Cdt 4cl Darwin Dormitorio at pagkakaospital ng tatlong iba pa dahil sa  ‘maltreatment’.

Ayon kay Brawner, nakausap na rin nila ang mga kadeteng nakitaan ng ebidensya ng pananakit at itinuro ng mga ito ang mga upperclassmen na responsable.

Hindi rin binanggit ni Brawner kung ilan pang upperclassmen, bukod sa mga kasalukuyan nang nasa stockade dahil sa pagkamatay ni Dormitorio ang natukoy nila, pero sinabi ng opisyal na inilagay na rin nila sa holding area ang mga ito.

Tiniyak naman ni Brawner na mabibigyan ng “due process at sasailalim sa kaukulang imbestigasyon ang mga upperclassmen na responsable sa mga panibagong kaso ng  ‘maltreatment’  sa PMA.

BAGONG PMA SUPT. UMUPO NA

Umupo na bilang bagong Superintendent ng Philippine Military Academy si Rear Admiral Cusi.

Si Cusi ang pumalit kay Lt Gen Ronnie Evangelista, makaraang magbitiw sa puwesto matapos ang pagkamatay ni Dormitorio habang nasa akademya.

Isinagawa ang change of command ceremony sa Fort Gregorio De Pilar sa Baguio City kahapon na dinaluhan mismo ni AFP  Chief of Staff Lt Gen Noel Clement

Si Cusi ay miyembro ng PMA’s Sinagtala Class of 1986 na dating vice commander ng  Philippine Navy, matatandaang sa pagbitiw sa  pwesto ni Evangelista nagbitiw rin sa kanyang posisyon si Brig Gen Bartolome Bacarrom, bilang PMA Commandant of Cadets.

Ipinalit kay Bacarro si Brig Gen Romeo Brawner na dating nakatalaga sa 103rd infantry Brigade bilang commander, Ang pagbitiw  ng dalawa sa pwesto ay sa harap ng patuloy na imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay sa hazing ni Dormitorio na ayon sa PNP ay planado ang pagpapahirap at pagpatay sa kadete.

Samantala, nagpasalanat naman si Lt Gen Evangelista kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at dating AFP Chief of staff Gen Benjamin Madrigal sa pagtatalaga sa kanya sa pwesto, Inisa isa nito ang mga programa sa PMA na nakakatulong para sa mga kadete para mahubog bilang mga susunod na lider ng AFP.

Sinabi pa ni Evangelista na naging ang mga pagbabago sa pasilidad ng akademya, ang pagkakatalaga nya sa PMA ay ang pinakamagandang panahon sa kanya para pagsilbilhan ang PMA.

Sinabi naman ni PMA Supt Allan Cusi, na hindi nya  nakalilimutan ang payo ng kanyang ina noong sya ay tactical officer ng PMA Cadet Corps noong taong 1994.

Importante, ayon kay Cusi, ay ang Character Development kasabay ng pagpapaunlad intellectually, dapat na maging huwaran ang bawat kadete Kaya panahon na umano na palitan ang culture na entitlement ng pagiging mapagkumbaba.

189

Related posts

Leave a Comment