Pilipinas sa Kuwait: WALANG ‘SORRY-SORRY’

HINDI hihingi ng paumanhin ang Pilipinas sa di umano’y paglabag na naging dahilan para suspendihin ng Kuwaiti government ang pagpapalabas ng bagong entry visas sa mga Pilipino.

“The Philippine government’s position, President [Ferdinand] Marcos’ [Jr.] position is that we cannot apologize for protecting our workers. We cannot hold our own people accountable for doing their job which is to protect our overseas nationals,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega.

Noong nakaraang linggo, isiniwalat ng Kuwait Interior Ministry ang ilan sa mga dahilan sa likod ng visa suspension order para sa Pilipinas gaya ng pagdala sa kasambahay sa mga shelter, naghahanap para sa mga runaway na hindi idinadamay ang state institutions, at hindi tamang pakikitungo sa Kuwaiti citizens.

Habang nais ng Kuwait na pormal na aminin ng Pilipinas ang naging aksyon nito at humingi ng paumanhin, sinabi ni De Vega na malabong gawin ng Pilipinas na humingi ng paumanhin dahil ang naging aksyon nito ay para tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.

At sa tanong kung ano ang susunod na magiging hakbang ng Pilipinas, sinabi ni De Vega na “among friends, we can agree to disagree and then keep trying to find the middle ground.”

Aniya, ipinahiwatig na ng Pilipinas ang kagustuhan ng embahada ng bansa na makatrabaho ang Kuwaiti officials para siguraduhin na hindi na mauulit ang paglabag. (CHRISTIAN DALE)

166

Related posts

Leave a Comment