PILOT TESTING NG FOOD STAMP PROGRAM APRUBADO NA

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pilot testing ng food stamp program ng gobyerno na nakalaan para sa isang milyong mahihirap na pamilyang Pilipino bilang bahagi ng paglaban ng administrasyon sa kahirapan, malnutrisyon at pagkagutom.

“The President approved the run of the pilot, which is fully funded through grants – grants from the ADB [Asian Development Bank], JICA [Japan International Cooperation Agency] and the French Development Agency. So, that will be US$3 million all in all,” ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang.

“There’s a provision to expand it. ADB is still working on another trust fund so that we can expand the pilot. But other than that, it’s all green light, go na for the pilot which will take place shortly,” dagdag na wika nito.

Sa pamamagitan ng pilot testing, sinabi ni Gatchalian na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang may kinalaman na ahensya ng pamahalaan ay titingnan ang “nuances” at idedetermina kung ano ang kailangan na paghusayin at palakasin at kung anong item ang kailangan itigil.

Ang food stamp program o “Walang Gutom 2027” ay naglalayong magbigay ng electronic benefit transfer sa mga benepisyaryo na kakargahan ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 para makabili mula sa piling listahan ng food commodities mula DSWD accredited local retailers.

Layon nito na targetin ang isang milyong kabahayan mula sa Listahanan 3 na nabibilang sa food poor criteria na tinukoy ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Samantala, kinilala naman ng DSWD ang limang pilot sites na nagmula sa iba’t ibang geopolitical characteristics: isa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nagamit bilang dating conflict area; isa sa geographically isolated regions o provinces; isa sa urban poor settings; isa sa calamity-stricken areas; at isa sa rural poor area.

(CHRISTIAN DALE)

77

Related posts

Leave a Comment