PINAGAANG NA SISTEMA SA SSS LOAN NG PENSIYONADO

sss22

MAGANDANG balita sa mga pensiyonado ng Social Security System (SSS).

Maging ang bagong retirado – kahit isang buwan pa lamang nakatatanggap ng pensiyon – ay maaaring makautang sa pension loan program ng ahensya.

Inihayag ni SSS president at chief executive Emmanuel Dooc na mas pinadali na ngayon ang pagpapautang para sa mahigit 1.2 milyong pensiyonado.

Dati-rati ay kailangang anim na buwan nang tumatanggap ng pensiyon sa SSS ang pensiyonado bago ito pumasok sa SSS pension loan subalit ngayon ay ibinaba na lamang ito sa isang buwan.

Dinagdagan din ang mga identification cards sa daing hinihingi ng kagawaran bilang proof of identification. Nang ilunsad ito noong Setyembre, ang pension loan program ay dapat na magsumite ng Social Security Card o unified multipurpose identification (UMID) cards.

Gayunman, sa bagong sistema, ang mga ID na maaaring isumite ay:

  • Alien certificate of registration issued by the Bureau of Immigration
    • Driver’s license issued by the Land Transportation Office
    • National Bureau of Investigation clearance
    • Passport
    • Firearm registration, license to own and process firearms, and permit to carry firearms outside of residence issued by the Philippine National Police
    • Postal ID
    • Seafarer’s identification and record book (seaman’s book)
    • Voter’s ID

“In the absence of a primary ID card/document, filer shall present, submit any two valid ID cards/documents, both with signature and at least one with photo,” ayon pa kay Dooc.

Sinabi pa ni Dooc na ang pension loan program para sa mga retirado ay naglalayong iiwas ang mga pensiyonado sa mga nanamantala at mabiktima ng ‘loan sharks’ kung saan sadyang inilulubog sa utang ang mga ito.

 

177

Related posts

Leave a Comment