Pinapasok na Chinese walang bitbit na negosyo PRA, BOI GIGISAHIN SA INVESTOR VISA

(BERNARD TAGUINOD)

MARAMING Chinese nationals ang binigyan ng investors visa subalit walang negosyong itinayo sa Pilipinas kundi nagtrabaho lamang ang mga ito sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang isiniwalat ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo matapos ihain ang House Resolution (HR) 1771 para imbestigahan ang pag-iisyu ng Philippine Retirement Authority (PRA) at Board of Investors (BOI) ng mga visa sa mga dayuhan na karamihan ay Chinese nationals.

“Wala namang milyung-milyong ininvest dito pero may investor’s visa. Yung iba mga trabahante lamang ng POGO pero naka-investor’s visa. How the hell is that happened,” ani Tulfo sa ambush interview kahapon.

Ang BOI ang nagbibigay ng investors visa sa mga dayuhan kapalit ng paglalagak ng mga ito ng puhunan sa bansa habang ang PRA ang nag-iisyu ng resident visa para sa matatandang dayuhang gustong magretiro sa Pilipinas.

Sa datos na nakuha ng Kamara sa Bureau of Immigration (BIR), umaabot na umano sa 78,000 dayuhan ay binigyan ng PRA ng retirement visa kung saan 30,000 dito ay mga Chinese nationals.

“Ang nakakapagtataka, hindi pa sila retired binigyan na sila ng retirement visa dahil the ages are thirty hanggang fifty,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, nagpatawag ito ng imbestigasyon dahil mistulang inabuso umano ang retirement at investment visa dahil sinomang dayuhang meron nito ay mananatili na sila sa bansa hangga’t gusto nila.

Maliban dito, tututukan din ang late registration ng birth certificate dahil maging ito ay inaabuso na rin umano kaya maraming dayuhan na karamihan ay mga Chinese nationals ang nagiging instant Pinoy at bumibili ng mga ari-arian sa bansa at ang iba pa aniya ay naging opisyal ng gobyerno.

“We should look into this. Mukhang may pang-aabuso, may umaabuso sa pagbibigay ng retirement visa, investors visa at saka yung late registration,” paliwanag pa ng mambabatas.

1Ang PRA ay nasa ilalim ng Department of Tourism (DOT) habang ang BOI ay bahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) samantala ang nag-aapruba ng late registration ay ang Philippine Statistics Authority (PSA) kaya ipapatawag ang mga ito sa isasagawang imbestigasyon.

38

Related posts

Leave a Comment