(NI NOEL ABUEL)
PINAKIKILOS ni Senador Cynthia Villar ang pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para masolusyunan ang kakulangan ng supply ng mga nurses sa bansa.
Ayon kay Villar, dapat na unahing gawin ng pamahalaan ay kumbinsihin ang mga estudyante na kumuha ng kursong nursing sa kolehiyo tulad ng pagtitiyak na agad na makakukuha ang mga ito ng trabaho sa mga ospital sa bansa na may mataas na sahod.
“Nagrereklamo na ang mga government hospitals that they are short of nurses kasi kakaunti na ang nag-aaral ng nursing,” sabi nito.
“Mae-encourage natin ‘yan kung well-compensated sila sa trabaho nila.Very supportive tayo sa mga nurses kasi frontliner natin ‘yan e. In fact, sa mga probinsiya, kapag may kulang na mga doctors, ‘yung nurses natin ang maaasahan natin,” paliwanag pa ni Villar.
Hindi aniya poproblemahin ang suweldo ng mga nurses dahil sa maaari naman itong kuhanin umano sa mga unprogrammed funds.
“You have to limit yourself sa allocated sa Department of Health. Pero malaki ang allocated sa Health. Sometimes, kumukuha sila sa unprogrammed accounts. Doon siguro ang pagkukunan nito,” sabi nito.
Suportado rin umano nito na dagdagan ang suweldo ng mga nurses na nagtatrabaho sa government health institutions base sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema na dapat ay tumatanggap ng P30,000 kada buwan ang mga nurse.
224