PINAS MAY SAPAT NA HIRINGGILYA

TINIYAK ng mga awtoridad na may sapat na suplay ng syringe o hiringgilya ang bansa para sa tuloy- tuloy na vaccination effort ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing sa harap ng gagawing pagtuturok ng booster shot sa iba pang priority sector simula sa Disyembre 10.

Maliban aniya ito sa suplay ng syringe ng Pfizer kung saan sila nagkaroon ng problema.

Inaasahan naman ang magkakasunod na delivery ng hiringgilya simula Disyembre 2 para sa Pfizer mula sa UNICEF.

“For the Pfizer syringe, let us clarify that ang problema lang natin sa syringe ay iyong Pfizer syringe, iyong ibang syringes po ay available. The Pfizer syringes that we have ordered from UNICEF are arriving in December 2, in tranches,” ayon kay Cabotaje.

Aniya, may apat na milyon pa ang paparating sa mga susunod na araw at may inaasahan pa mula sa 44 million na inorder, dalawang buwan na ang nakararaan. (CHRISTIAN DALE)

5

Related posts

Leave a Comment