PINAS NAKAPAGTUROK NA NG 79.6M DOSES NG COVID-19 VACCINE

INANUNSYO ng Malakanyang na umakyat na sa 79.6 milyong doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng gobyerno sa buong bansa.

Mula sa bilang na ito ay 19.8 milyon ang napunta sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na 45.32% ng target population ng gobyerno sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus.

Katumbas aniya ito ng 34.9 million na mga Pilipino.

Sa Kalakhang Maynila naman, 95.11% ng target population sa rehiyon ay fully vaccinated na rin laban sa virus, o katumbas ng higit 9.2 milyong mga Pilipino habang umakyat na rin sa higit 137,000 ang nakatanggap na ng booster shot.

Sinabi pa ni Nograles na “as of yesterday”, nasa 1.07 million daily jabs ang bakunang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa, sa loob lamang ng isang araw. (CHRISTIAN DALE)

3

Related posts

Leave a Comment