(NI BETH JULIAN)
PINAGKALOOBAN ng libreng tulong legal ng pamahalaan ang Filipina na nanganganib na mapatawan ng parusang kamatayan o bitay sa Malaysia.
Inaresto ng mga awtoridad sa Kota Kinabalu ang Pinay matapos mahulihan ng halos anim na kilo ng shabu.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi pa malinaw sa kanila ang naging partisipasyon sa krimen ng nasabing Pinay.
Dahil diyan ay hindi pa maaaring pangalanan ang Pinay pero sa ngayon ay nakahanda ang gobyerno na gamitin ang lahat ng legal na remedyo para matulungan ito.
Gayunman, kung may ebidensya na nagpapatunay na sangkot siya sa drug trafficking ay wala na umanong magagawa ang gobyerno kundi ang hayaang gumulong ang batas na ipatutupad sa Malaysia.
Batay sa datos ng DFA, hindi bababa sa 48 Pinoy ang nasa death row sa Malaysia.
129