PING MAY ‘PERSONAL VENDETTA’ KAY GLORIA?

ping12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINOHOSTAGE umano ni Senador  Panfilo “Ping” Lacson ang national budget dahil sa kanyang “personal vendetta” laban kay dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ang alegasyon ni House deputy speaker Anthony Bravo ng Coop-Natcco partylist sa press conference sa Kamara, Lunes ng umaga, kaugnay ng umiinit na bangayan ng Senado at Kamara sa 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion.

“In my personal opinion, Senator Lacson is holding the national budget because of personal vendetta to our speaker …GMA. Alam naman natin ang pinaghuhugutan niya… during the time of GMA as president, alam naman natin ang nangyari sa pagitan ng dalawa,” ani Bravo.

Magugunita na mahigit isang taong nagtago si Lacson noong si Arroyo ang pangulo matapos maglabas ng arrest warrant ang isang korte sa Manila laban sa senador kaugnay ng kaso sa pagpatay sa publicist na si Salvardor “Bobby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000.

Naging vocal critic din ng Arroyo administration si Lacson at isiniwalat nito ang iba’t ibang katiwalian sa gobyerno kung saan nadamay dito si dating first gentleman Mike Arroyo.

Dito ibinase ni Bravo ang kanyang opinyon na ayaw umano ng senador na magtagumpay si Arroyo bilang House Speaker kaya lahat ng galaw ng dating pangulo ay sinisilipan ni Lacson.

“He has said nothing good to the speaker from the very start of her leadership as speaker. In fact even before the change of leadership of the House, when there was a rumor that GMA will take over and replace then Speaker Bebot Alvarez ay marami hong sinabi siya against Speaker,” ani Bravo.

Sinabi ng party-list solon na wala siyang personal na galit kay Lacon subalit”….in my own analysis  I think the agenda is clear, he  don’t want the Speaker to be successful and her (Arroyo)  leadership as speaker”.

Pero dahil umano sa personal vendetta na ito ni Lacson kay Arroyo, nahohostage umano nito ang national budget kaya apektado ang 106 milyong populasyon ng Piliinas.

Nilinaw ni Bravo na hindi umano nito ipinagtatanggol si Arroyo subalit kailagan umano nitong magsalita dahil kapakanan umano ng bansa ang nakasalalay kapag patuloy na made-delay ang national budget.

 

117

Related posts

Leave a Comment