PINK FORCES AT TRILLANES LABAN SA PAMILYA DUTERTE

POSIBLENG mala-“Voltes V’ ang gamiting taktika ni dating Senator Antonio Trillanes IV laban sa pamilya Duterte na balak bumalik sa kapangyarihan sa 2025 midterm elections.

Sa ginanap na “Kapihan sa Manila Hotel” Forum kamakalawa ng umaga, isiniwalat ni Trillanes ang posibilidad na makiisa ang administrasyong Marcos sa mga ‘di-tradisyunal na kaalyado, kabilang ang tinatawag na “pink forces” ng independent opposition.

Katunayan, nagpadala na umano siya ng mensahe sa kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng interes na magpalakas ng puwersa para tutulan o harangin ang planong balik-trono ng Duterte family.

Dapat aniya sa 2025 midterm elections, may mga kandidato sa pagkakaisa at i-absorb lahat ng oposisyon, ang independent opposition,” giit pa ng senador.

Kasunod ito ng kumpirmasyon noong Martes ni dating DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte na ang kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at mga kapatid na sina Paolo at Sebastian ay balak tumakbo sa Senado.

Si Sebastian, kasalukuyang mayor ng Davao City, plano ring sumabak sa 2028 presidential elections. Gayunman, wala pang pinal na desisyon ukol dito.

Ipinaalam na rin ni Trillanes ang kanyang mungkahi sa kampo ng ex-senators na sina Bam Aquino at Francis ‘Kiko’ Pangilinan, ngunit hindi kina dating Vice President Leni Robredo, Mar Roxas at Risa Hontiveros.

Banat pa ng senador, noong si Digong ang nakaupong pangulo lalong nalugmok ang ekonomiya ng bansa dahil sangkot ang pamilya Duterte sa mga anomalya at illegal activities gaya ng walang humpay na pagpasok ng illegal drugs at pandarambong. (JULIET PACOT)

54

Related posts

Leave a Comment