(NI BETH JULIAN)
HINDI pa rin mawawala sa pamahalaan si Agriculture Secretay Manny Pinol kapag tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Sinabi ni Presidential Communicaitons Operation Office Secretary Martin Andanar, malilipat lamang naman ng ibang puwesto si Pinol sa isang Cabinet level position.
Ayon kay Andanar, tulad ng nasabi na ni Pangulong Duterte, sa Mindanao Development Authority niya gustong ilagay si Pinol.
Sa kasalukuyan ay walang pinuno ang MINDA makaraang masawi sa cardiac arrest kamakailan ang head nito na si Datu Abdul Alonto.
Kaugnay nito, sinabi ni Andanar na wala pa siyang ideya kung sino ang posibleng pumalit kay Pinol sa Agriculture
Sa isyu naman ng mini revamp na nabanggit ng Pangulo, sinabi ni Andanar na handa naman sila sa anumang desisyon ng Punong Ehekutibo.
Katwiran ni Andanar, lahat sila ay nagsisilbi base sa kagustuhan ng Pangulo kaya naman sakaling mag anunsyo ng kautusan ang Pangulo para sa revamp ay handa silang tumalima rito.
132