SA isang text message kay Senator-elect Christopher ‘Bong’ Go ipinadala ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang kanyang courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Go nitong Huwebes.
Sinabi ni Go na naiparating na ang kagustuhang mag-resign ni Pinol sa Pangulo.
Ang kagustuhang mag-resign ni Piñol ay ginawa sa harap ng report na ililipat siya ng Pangulo sa Mindanao Development Authority (MINDA) dahil hindi umano kuntento ang Pangulo sa kanyang trabaho sa Department of Agriculture.
Sa kanyang panig, sinabi ni Duterte na sinabihan niya si Piñol na mamuno sa MINDA, isang Cabinet position.
Nagpaliwanag din ang Pangulo na wala nang karapat-dapat na ilagay sa posisyon kundi si Piñol na ipinanganak at lumaki sa Mindanao. Isa umano siyang magsasaka at naging gobernador., ayon pa sa Pangulo.
“Sabi ko pumunta ka na lang doon, tulungan mo na lang ako. Get them started, hurry them up so they will have the very first organized government they have long wished for.”
Idinagdag ng Pangulo na wala siyang problema sa trabaho ni Piñol taliwas sa mga naglalabasang ispekulasyon.
245