(NI DAVE MEDINA)
ARESTADO ang isang Filipino na pinaghihinalaang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Malaysia dahil sa suspetsa na kasama ito sa planong pagpapasabog sa nasabing bansa.
Kasalukuyan ngayong nakadetine sa hindi binanggit na lugar ang hindi pinangalanang Pinoy terrorist na edad 21-anyos bilang bahagi ng security measures ng Malaysian Police.
Kasama ng Abu Sayyaf member ang limang iba pang dayuhan sa mga inaresto sa hinala nang planong pagpapasabog; dalawang Malaysian at tatlong banyaga mula sa Singapore, Bangladesh, at isang South Asian country.
Ang 21-anyos na terorista ay kasama sa raid sa eastern state ng Sabah, kung saan nagtrabaho siyang laborer.
Pinaniniwalaang mayroon siyang koneksyon sa Abu Sayyaf leader na si Furuji Indama.
Ang Malaysia ay nasa estado ng high alert simula nang ilang mananandatang kaalyado ng Islamic State (IS) ang nagsagawa ng serye ng pag-atake sa Jakarta, Indonesia noong Enero 2016.
Sa isa namang pagpapasabog noong June 2016 sa capitol Kuala Lumpur, Malaysia kung saan walo tao ang nasugatan.
175