PINOY HANDA NA SA PAGBABALIK NORMAL – MARCOS JR.

ORAS na para bumalik ang mga Pilipino sa kanilang normal na buhay bago ang COVID-19 pandemic.

Importante ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maipakita sa buong mundo na dahan-dahan nang nakababalik ang Pilipinas sa sarili nitong mga paa.

“It is a good thing to remind people that the pandemic may have been difficult, the pandemic really put us through the wringer. But we are back,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa Bacolod City sa pagtatapos ng 43rd MassKara Festival nitong Linggo.

“The pandemic is fading away. We are learning to manage it and now it is time for us to all go back to work, to all go back to our normal lives, to remind ourselves of all the opportunities that were before us before the pandemic…It is time for us to go back to all of those endeavors that we were undertaking before Covid hit,” dagdag na wika nito.

Ang MassKara Festival aniya ang palatandaan na hindi lamang bukas na sa turista ang Bacolod City kundi sa buong bansa.

“It is time for us to go back and exercise once again, show once again the Filipino resilience, the Filipino resourcefulness, the Filipino industry, the Filipino talent, ipakita naman natin sa buong mundo dahil nagbubukas ang mundo, dahil nagbubukas ang Pilipinas, ito ngayon ang MassKara Festival ay isang pagdiriwang hindi lamang sa pagbubukas ng Bacolod kung hindi sa buong Pilipinas,” anito.

Sa kabila aniya ng malungkot na panahon sa kasaysayan ng Bacolod, sinabi ng Pangulo na sumisimbolo rin ito sa “reemergence from a crisis” ng mga Pilipino.

Dumanas kasi ng dalawang malaking trahedya ang mga Negrense, dalawang dekada na ang nakalipas.

Matatandaang noong 1980’s nang tumigil sa pag-angkat ng asukal ang mga banyaga nilang kustomer dahil sa paglabas ng mas murang kapalit tulad ng corn syrup (fructose). Bumagsak ang industriya, at maging ang mga taong nakasalalay dito, na ang tanging pinagkukunan ng pagkakakitaan ay ang pagtatanim at paggawa ng mga tubo.

April 22, 1980, ang MV Don Juan, isang luxury liner na pauwi na dapat sa kanyang bayang Bacolod City mula sa Maynila, ay bumangga sa isang oil tanker, ang MT Tacloban, na malapit lang sa Tablas Strait sa Mindoro, na nag-iwan ng 176 nasawi at ilan ay nawala.

Sa kabilang dako, binati naman ng Pangulo si Bacolod City Mayor Albee Benitez at event organizers sa matagumpay na pagdaraos ng festival. (CHRISTIAN DALE)

12

Related posts

Leave a Comment