PINOY NA AKUSADO SA DROGA SA IBANG BANSA TUTULUNGAN

pinoy

(NI CHRISTIAN DALE)

NILINAW ng Malakanyang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya tutulungan ang mga Pilipinong nasa ibang bansa na masasangkot sa ilegal na droga.

Ayaw lang labagin ni Pangulong Duterre ang mga batas sa labas ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, handa ang pamahalaan na bigyan ng abugado ang akusadong Pinoy.

Nauna rito, nagbabala ang China na maaring mauwi sa gantihan kung magiging padalos-dalos ang Pilipinas sa pagpapadeport ng mga Chinese workers sa bansa.

Ginawa ng China ang nasabing babala matapos ang dinner kamakailan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

Kapag aniya hindi naging maayos ang deportasyon sa mga Chinese workers, gagawin din ito ng China sa mga Filipino workers na nasa Beijing.

“In fact, that is what the Chinese ambassador told me during dinner…. That if this government will just deport Chinese not in accordance with law then we will also do the same. That’s tit for tat,” ang pahayag ni Sec. Panelo.

Iyon nga lamang aniya ay walang problema sa China kung ipadedeport ang mga Chinese workers na talagang lumalabag sa mga batas ng Pilipinas.

Magugunitang, kamakailan ay sinabi ni Pangulong Duterte na hayaan lamang ang Chinese workers na magtrabaho sa bansa dahil mayroong 300,000 na mga Pinoy na nagtatrabaho naman sa China.

 

5

Related posts

Leave a Comment