(NI BETH JULIAN)
PINAIIWAS ng Malacanang ang mga Filipino na magtungo sa Hong Kong dahil hindi ito ang tamang panahon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi na dapat munang magtungo sa HK ang mga Pinoy para makaiwas sa gulo sa aiport.
Dito ay makatitiyak din na hindi maaaberya pagpunta sa nasabing bansa lalo pa’t walang kasiguruhan kung makapupunta nga sa Hong Kong o hindi.
“Avoid muna going there, that’s the advice. Kasi you’re not sure whether you’re going to reach Hong Kong in the first place. Nagkakagulo sa airport. Airport lang naman, limited naman ang gulo sa airport eh. Kaya ‘yung travel ban siguro with respect to kung gusto mong pumunta ngayon sa Hong Kong, this is not the right time to go there kasi ‘yung flight mo biglang naka-cancel, o ‘di ba? wika ni Panelo.
Kinansela ng Hong Kong Airport Authority ang mga flight nitong Lunes ng hapon dahil sa pagpapatuloy ng mga payapang protesta sa paliparan doon.
Bukod sa mga departure flight na nakapag-check in na at mga arrival flight na papunta sa Hong Kong, kanselado ang iba pang flights simula hapon ng Lunes, base sa abiso ng airport authority.
Nag-ugat ang mga protesta sa pagtutol sa isang panukalang batas pero ngayon ay naging mga panawagan na para sa demokrasya sa Hong Kong na sakop ng China.
151