(NI ROSE PULGAR)
SA kabila ng patuloy na kilos protesta, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi kailangang ilikas sa ngayon ang nasa mahigit 370,000 Pinoy workers sa Hong Kong.
Kinontra ng DFA ang mga maling impormasyon na lumalabas sa social media at tiniyak nito na nasa ligtas na kalagayan ang mga Pinoy sa Hong Kong at sa ngayon aniya ay hindi pa naman apektado ang mga ito sa nagaganap na kilos protesta.
Payo ng DFA, sa halip aniyang mag-monitor sa social media sa mga kaganapan sa Hong Kong, na kung ano-ano aniyang nakakalap na mga negatibong ispekulasyon, mas mabuti pa aniyang bisitahin ang website ng konsulada ng Pilipinas para malaman ang mga update na mga kaganapan sa naturang bansa.
Nabatid na sa Asya, ang Hong Kong ang isa sa mga major destination mga Pinoy para magtrabaho, na karamihan ay mga domestic helper.
Nabatid na nitong 2019 ay nagsasagawa ng serye ng kilos-protesta ang mga pro-democracy sa Hong Kong, kung saan mariin nilang hinihiling ang kalayaan mula sa pamamalakad ng China.
Kung kaya’t patuloy ang nagaganap na kaguluhan sa nabanggit na bansa.
Una nang pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy na nakabase sa Hong Kong, na maging alerto sa lahat ng oras at umiwas sa mga nagaganap na kilos protesta, para hindi aniya madamay.
Gayunpaman sa kabila ng patuloy na kaguluhan, sinabi ng DFA, na hindi naman kailangang ilikas ang mga Pinoy doon sa ngayon.
Patuloy ang isinasagawang monitoring ng konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong para sa mga update ng kaganapan.
355