(NI ROSE PULGAR)
NASAWI ang isang 24-anyos na estudayanteng Pinoy ang namatay nang malunod sa isang isla sa Australia noong Lunes ng umaga.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng Filipino student sa sinapit nito.
Sa report ni Ambassador to Australia Ma. Hellen B. De La Vega sa DFA Home Office, ipinaalam na ng mga awtoridad sa Queensland sa Philippine Embassy sa Canberra kaugnay sa pagkamatay ng estudyante na pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalan ng Queens ford College sa Brisbane.
Sa pahayag ng Embahada ng Pilipinas ang biktima ay nalunod sa Flinders Beach sa North Stradbroke Island nitong noong Lunes. Hiniling ng Office of Migrant Workers Affairs sa DFA ang tulong para naman sa repatriation ng mga labi ng biktima.
Sa panig naman ng DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng estudyante para sa pagpapauwi sa labi nito.
Sa tala , ito na ang ika- limang insedente ng pagkalunod na kinasasangkutan ng mga Filipino sa abroad simula ng pumasok ang taong ito.
Kamakailan lamang dalawang magkahiwalay na insedente ng pagkalunod sa new Zealand kung saan kasama dito ang dalawang Filipinong mag asawang nurse sa kanilang honeymoon na nalunod din sa Maldives.
134