PLUNDER NINA JINGGOY, NAPOLES TULOY

napoles12

(NI ABBY MENDOZA)

TULOY ang gagawing paglilitis ng Sandiganbayan sa kasong plunder nina  dating senador Jinggoy Estrada at Janet Napoles matapos ibasura ng graft court ang apela nito.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan 5th Division sinabi nito na kumbisido ang anti-graft court na sapat ang testimonial at documentary evidence na inihain ng prosekusyon para patunayan ang kasalanan ng dalawang akusado.

Partikular na tinukoy bilang malakas na ebidensya ng Sandiganbayan ang kasunduan nina Napoles at Estrada na idaan ang PDAF allocation nito sa NGOs na Magsasaka Foundation Inc (MAMPI) at Social Development Program for Farmers Foundations Inc. (SDPFFI), na may komisyong aabot sa 40 hanggang 60 percent kapalit ng kickbacks at komisyong paghahatian nila.

Sasapat umano ng mga ebidensyang isinumite ng prosekusyon para suportahan ang conviction sa krimen kung hindi ito makokontra ng contrary evidence.

Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure ang Demurrer to Evidence ay inihahain ng akusado upang maibasura ang kaso laban sa kanya kapag natapos nang magprisinta ng ebidenysa ang prosekusyon.

Si Estrada ay pansamantalang nakalalaya matapos maglagak ng pyansa habang nakakulong naman sa Correctional Institution for Women si Napoles matapos mahatulang guilty sa PDAF scam.

 

387

Related posts

Leave a Comment