(NI NICK ECHEVARRIA)
GAGAWING batayan ng Phiippine National Police (PNP) ang bagsak na grado na ibinigay sa kanila ng Commission on Audit (COA) sa pagkabigo na matamo ang performance targets nitong nakaraang taon.
Paliwanag ni P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, masyado umano silang naging abala sa paghahanda at pagbabantay sa idinaos na 2019 midterm election at ang sobrang pagkakatutok sa war on drugs ng pamahalaan, dahilan para bumaba ang kanilang output sa anti-criminality campaign.
Sa ipinalabas na ulat ng COA, umabot lamang sa 19.37 percent na mga most wanted person ang naaresto ng PNP kung ikukumpara sa sa target nilang 51.57 percent.
Habang sa loob ng 30 araw, 34.70 percent lamang sa 60 percent target ng PNP ang kanilang naarestong indibidwal na may mga oustanding warrants.
Nasa 464, 661 na mga kaso naman sa crime investigation ang kanilang naresolba kontra sa tinatarget sana na 544,301 target na maresolbang mga krimen.
Ang naitalang mababang output ng PNP sa report ng COA ay nangyari sa harap nang pag-doble sa suweldo ng mga pulis noong isang taon na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
85