PNP FULL ALERT SA SIMBANG GABI

(NI NICK ECHEVARRIA)

SIMULA December 15 ganap na alas-6:00 ng umaga hanggang January 5, 2020 isasailalim na sa full allert status ang lahat ng units ng kapulisan sa Luzon at Visayas bilang paghahanda sa pagsisimula ng tradisyunal na “Simbang Gabi”.

Batay ito sa kautusan ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa para palakasin ang police visibility ngayong holiday season kaugnay sa seguridad ng mga magsisimbang gabi kung saan ilalagay sa pinakamataas na antas ng kahandaan ang PNP sa mga nabanggit na mga lugar.

Aabot sa 69,335 na mga personnel ng PNP kasama ang 157,264 na mga force multipliers ang ipapakalat para sa law enforcement at public safety operations, batay sa ipinalabas na  PNP Command Memorandum Circular “Paskuhan” 2019.

“We do not really anticipate major peace and order issues during the Yuletide Season, but, we are deploying more policemen in the field as a crime prevention measure,” sabi ni Gamboa.

Partikular na inatasan ni Gamboa ang kanyang mga Regional Directors na dagdagan ang mga itatalagang pulis kung gabi na magsasagawa ng mga foot patrol para tutukan ang siyam na araw na “Misa de Gallo ngayong yuletide season.

Idinagdag pa ni Gamboa na kailangan din ang koordinasyon sa pagitan ng mga local police units at sa mga opisyal ng barangay para magkatuwang na bantayan ang mga lalabag sa paggamit ng mga ipinagbababawal na paputok.

Inabisuhan din ng PNP OIC ang mga field unit commanders na tiyaking laging bukas ang blinkers ng kanilang mga mobile patrol units para mas madaling makita ng publiko.

Sinabi naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na layunin ng hakbang na ipatupad ang PNP Enhanced Managing Police Operations (E-MPO) Strategy, para sa kaligtasan at sa iba pang security concerns.

Kabilang sa mga tutukan ng PNP ang mga na itinalagang firecracker at display zones sa mga komunidad, assistance hubs, simbahan, commercial centers, road safety points, mga pantalan, istasyon ng mga train at mga paliparan sa bansa.

Gagamitin naman sa mga  anti-criminality operations, anti-motorcycle-riding suspects at bilang reactionary standby support ang iba pang puwersa ng pambansang pulisya.

 

200

Related posts

Leave a Comment