PNP HANDA KAHIT CEASEFIRE SA CPP-NPA

npa

MANANATILING alisto ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa kabila ng pagdedeklara ng unilaterial ceasefire ng New People’s Army (NPA) para sa Kapaskuhan, ayon kay Chief Director General Oscar Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na magpapatuloy ang kanilang internal security operations at law enforcement operation kahit pa nagdeklara ng tigil-putukan ang NPA. Hindi pa naman umano nakakakita ng movements ng mga rebeldeng grupo ang kapulisyan ngunit nakaalerto sila sa nalalapit na anibersaryo ng NPA.

Una nang inihayag ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa kanilang websire ang pansamantalang unilateral ceasefire para sa Kapaskuhan at sa kanilang 50-anibersaryo.

11

Related posts

Leave a Comment