PNP NAKAALERTO SA PAGPASOK NG BAGONG TAON

pnp120

(NI JESSE KABEL)

TATLONG araw bago salubungin ng sambayanang Filipino ang Filipino ang taong 2010 muling nagpaalala at inalerto ng pamunuan ng Philippine National Police ang kanilang puwersa sa buong bansa .

PartiKular na pinatututukan sa kapulisan ang mga identified firecrackers and pyrotechnic zones at mga firecracker/pyrotechnic displays sa kani-kanilang mga lugar sa pakikipag- ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya at mga stakeholders.

Tuluy-tuloy ring pinababantayan ng PNP Officer in Charge P/LtGen Archie Gamboa ang mga pagawaan ng paputok , mga imbakan at mga processing area ng mga  manufacturers at  dealers sa kanilang mga nasasakupang lugar para masigurong sumusunod ang mga manufacturers at dealers sa mga pina-iiral na  safety guidelines.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Gamboa ang manufacturers at sellers na mahigpit na tupdin ang patakarang huwag magbebenta ng paputok ang mga pyrotechnic display sa mga menor de edad na may edad na 18 pababa.

Kabilang sa pinalabas na listahan ng mga  prohibited firecrackers ang mga sumusunod:

  • Piccolo
  • Watusi
  • Giant whistle bomb
  • Giant bawang
  • Large judas belt
  • Super lolo
  • Lolo thunder
  • Atomic bomb
  • Atomic bomb triangulo
  • Pillbox
  • Boga
  • Kwiton
  • Goodbye earth
  • Goodbye bading
  • Hello columbia
  • Goodbye Philippines

Nilinaw din ni gamboa na ahigpit na ipinatutupad ng PNP ang  Executive Order No. 28 ni Pangulong  Rodrigo R. Duterte sa lahat ng mga manufacturers at mga  nagtitinda ng paputok sa Bulacan.

Ang pagpapatupad ng  EO 28 na nagtatalaga sa paggamit ng mga paputok sa mga community fireworks display.

 

123

Related posts

Leave a Comment