MAPAYAPA sa kabuan ang pagdiriwang ng Pasko ayon sa monitoring ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde kaninang hapon, na bagama’t may tatlong insidente ang kanilang naitala na kinabibilangan ng pamamaril ng isang pulis sa Caloocan City, indiscriminate firing sa Pangasinan at barilan sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army at tropa ng pamahalaan sa Davao Del Sur, ay umaasa ang kapulisan na magiging generally peaceful ang buong bansa hanggang sa mga susunod na oras.
Patuloy namang naka-heightened alert status ang buong puwersa ng PNP at military hanggang sa pagdiriwang ng bagong taon.
Samantala, magdiriwang naman bukas ng kanilang ika-50 anibersaryo ang Communist Party of the Philippines (CPP) kaya nakaalerto ang puwersa ng pamahalaan dahil sa posibilidad nang pag-atake ng armadong grupo.
211