(Ni FRANCIS SORIANO)
TIKOM pa rin ang bibig ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) matapos maglabas ng resolusyon ang Supreme Court (SC) hinggil sa datos ng ‘Oplan Tokhang’.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, hindi pa niya umano nababasa ang nasabing desisyon na inaatasan ang PNP at kung mayroon man ay hihintayin din nila umano ang magiging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang Commander in Chief at ipinauubaya ito sa Office of the Solicitor General.
Dagdag pa nito na marami na aniya ang sinampahan ng kaso na kasalukuyan nang nililitis sa korte at seryoso sila sa pag-iimbestiga sa mga napapatay dito.
112