POE, POSITIBO SA COVID-19

ISA pang senador ang tinamaan ng COVID-19 sa katauhan ni Senador Grace Poe.

Sa roll call sa sesyon nitong Miyerkoles, kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na 19 na senador ang physically present habang apat ang virtually present.

Kasama sa virtually present si Poe na nagpositibo sa COVID-19 habang si Senador Francis Chiz Escudero ay nagkaroon muli ng exposure sa taong COVID-19 positive.

Kinumpirma naman ni Escudero na isa sa kanyang staff ang nagpositibo kung saan siya na-expose at bahagi ng kanyang precaution ang pagsailalim sa isolation.

Samantala, idinagdag ni Zubiri na patuloy na nagpapagaling sa kanyang COVID-19 sina Senator Cynthia at Imee Marcos habang si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ay sumailalim sa eye operation.

Una na ring nagpositibo sa COVID-19 si Sen. Alan Peter Cayetano na sinundan nina Marcos at Cynthia Villar. (DANG SAMSON-GARCIA)

181

Related posts

Leave a Comment